Lolo inatado sa away-lupa

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  â€“ Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 69-anyos na biyudo makaraang pagtatagain ng nakaalitan kaugnay sa pinag-aawayang lupain sa Sitio Danawan, Barangay Tanag, bayan ng Libmanan, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Agaw-buhay ngayon sa Bicol Medical Center ang biktimang si Gonzalo Valnecia Jr. habang pinaghahanap naman ang suspek na si Domingo Embudo. Base sa police report, nagkasalubong ang dalawa kung saan humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa pagtatagain ng suspek ang matandang biktima na sinasabing tumangging makipag-ayos.

 

Show comments