Mister umatras sa suntukan, tinodas

MANILA, Philippines - Dahil sa pagtanggi sa pakikipagsuntukan, pinagbabaril at napatay ang 53-anyos na mister ng kaniyang nakaalitan sa Barangay Boyongan, bayan ng Placer, Surigao del Norte kamakalawa.

Kinilala ni  Caraga PNP spokesman P/Supt. Martin Gamba ang napatay na si  Felicimo Nastor na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang pinaghahanap naman ang suspek na si Junevyn Batistil, 35.

Sa inisyal na ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-8:30 ng umaga nang magkasalubong ang magka­away kung saan nagkaroon ng mainitang argumento.

Agad namang hinamon ng suntukan ng suspek ang biktima pero tumanggi ito at tumalikod saka umalis.

Gayon pa man, niratrat ang nakatalikod na biktima habang tumakas naman ang suspek.

 

Show comments