MANILA, Philippines - Nabahiran ng trahedya ang masayang kasalan makaraang aksidenteng pumutok ang baril ng isang pulis na sumapul sa kaibigan nitong market enforcer sa Barangay Pasonanca, Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Herman delos Reyes habang sumuko naman at nahaharap sa kasong kriminal ang suspek na si PO2 Richard Aguilar Bumanglad, nakatalaga sa City Hall Community AsÂsistance Center (COMPAC) ng Zamboanga City PNP.
Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Ariel Huesca, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9 naganap ang insidente bandang alas-2:40 ng hapon sa reception hall ng kasalan sa likuran ng Zamboanga City Water District, Motorpool.
Kasalukuyang kumakain ang mga bisita sa reception area ng kasalan nang nakalabit ng pulis ang gatilyo ng baril.
Isang malakas na putok ang umalingawngaw na sumapul sa katawan ng biktima na duguang bumulagta.