Trader, magsasaka utas

CAVITE , Philippines   â€“ Dalawa-katao ang maagang sinalubong ni kamatayan sa magkahiwalay na insidente sa bayan ng Maragondon, Cavite, ayon sa ulat. Si Marcelo Ortega, 40, negosyante, ng Barangay Pantihan 2, Maragondon, ay namatay matapos mahulog ang kanyang jeep (DLZ 821) sa malalim na kanal sa gilid ng Pantihan Road sa nasa­bing bayan. Ayon kay PO2 Jesus Pedernal, magde-deliver ng prutas at gulay ang biktima nang masiraan ng makina ang sasakyan bago nahulog sa kanal bandang alas-7:45 ng gabi kamakalawa. Samantala, si Gemeniano Malimban, 56, magsasaka ay niratrat ng di-kilalang lalaki habang ito ay papauwi na kahapon ng umaga sa Sitio Pasong Kalabaw, Barangay Pantihan 4 sa nabanggit na bayan.

 

Show comments