Magsasaka itinumba sa reunion

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines   â€“ Napatay ang 32-anyos na magsasaka matapos na pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa reunion ng kanyang pamilya kamakalawa ng gabi sa Barangay Cadulawan, bayan ng Cataingan, Masbate. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Junrey Lepiten ng Barangay Osmeña sa nabanggit na bayan. Nabatid na dumalo ang biktima sa reunion ng kanilang pamilya na nagmula pa sa ibang bansa at lalawigan nang lapitan at ratratin bandang alas-10 ng gabi. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments