Barangay tanod nilikida

QUEZON , Philippines   â€“Pinabulagta ang 50-anyos na hepe ng mga barangay tanod matapos itong pagbabarilin sa bahay ng kanyang kapitbahay sa Sitio Pinagpala, Barangay Pahinga Norte, bayan ng Candelaria, Quezon noong Sabado ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Francisco Ebreo, idineklarang patay sa Peter Paul Hospital ang biktimang si Ernesto Cabañez Balahadia. Base sa police report, nanonood ng telebisyon ang biktima sa kanyang kapitbahay nang lapitan at ratratin ng gunman bandang alas-7 ng gabi. Narekober naman sa crime scene ang anim na basyo ng bala at 2 slugs ng cal. 45 pistol.

Show comments