Bus vs bus: 55 sugatan

OLONGAPO CITY , Philippines  â€” Umabot sa 55-katao ang iniulat na sugatan makaraang magsalpukan ang dalawang pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa Barangay Old Cabalan, Olongapo City, Zambales kahapon ng u­maga.

Sa inisyal na police report na nakarating kay P/Chief Insp. Teoderico Catubay ng Olongapo PNP Traffic Enforcement Unit, naganap ang salpukan ng dalawang Victory Liner Bus bandang alas-6:30 ng umaga.

Nabatid na patungong Bataan ang ordinary bus (CXG-108) na minamaneho ni Faustino Esteban nang makasalubong nito ang aircon bus (CXB-481) na minamaneho naman ni Emilio Ocampo ng Guagua, Pampanga.

Karamihan sa mga biktima ay naisugod sa James Gordon Memorial Hospital kung saan sumasailalim sa maselang operasyon ang dalawang drayber ng bus.

Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong nakaidlip ang isa sa dalawang drayber ng bus batay na rin sa salaysay ng mga pasahero.

 

Show comments