Mister nangisay sa washing machine

TUGUEGARAO CITY , Philippines   â€” Natusta ang isang 47-anyos na mister matapos na makuryente sa paghugot ng kanyang basang kamay sa saksakan ng washing machine na kanyang ginamit sa kanyang paglalaba sa kanilang tahanan sa Brgy. Silauan Norte, Echague, Isabela kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Ronaldo Perdubal, binata na naabutan ng kanyang mga kaanak na nangingisay sa lakas ng boltaheng bumalot sa kanyang katawan.

Nagawa pang itakbo sa ospital ang biktima subalit idineklara ng manggagamot na dead-on-arrival.

 

Show comments