MANILA, Philippines - Isang pulis ang nasawi habang tatlo pa ang nasugatan matapos na salakayin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang himpilan ng pulisya sa bayan ng Kibawe, Bukidnon nitong Huwebes ng umaga.
Kinilala ni PNP Spokesman Sr. Supt. Wilben MayorÂ, ang nasawi na si SPO2 Rodelfin Alonzo.
Ang mga nasugatan ay sina PO3 Jona Roba, PO2 Jonhrey Manigo at PO2 Elizar Lacoste para malapatan ng lunas.
Sinabi ni Mayor, bandang alas-5 ng madaling-araw nang lusubin ng mga rebelde na nakasuot ng camouflage uniform ang Kibawe Municipal Police Station (MPS) sa nasabing bayan.
Sakay umano ang mga rebelde ng pitong pribadong van at nang magbabaan ay agad na pinaulanan ng bala ang himpilan.
Gumanti naman ang mga pulis na naka-duty at tinatayang umaabot ang palitan ng putok ng may 40 minuto.
Matapos ang pag-atake, mabilis na nagsitakas ang mga rebelde sa magkahiwalay ng direksyon sa Brgy. Tomaras, Kibawe at Damulog area ng lalawigan.
Sa ulat ng Army’s 403rd Infantry Brigade na nakabase sa Malaybalay City, Bukidnon, sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala II, natangay ng mga rebelde ang pitong M-16 rifles, tatlong 9 mm caliber pistol, dalawang cal 45 pistol at mga bala .
“Kontrolado na ng pulisya ang sitwasyon sa Kibawe,†ani Zagala.
Nagpadala na rin ng tropa ng 403rd Brigade at kaÂragdagang tropa ng 2nd Scout Ranger Battalion sa lugar.