P3-M ari-arian naabo

MANILA, Philippines - Umaabot sa P3 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos na masunog ang 36 na kabahayan sa Putok Africa Daisy 1 & 2 sa Barangay Culo, bayan ng Molave­, Zamboanga del Sur kamakalawa ng umaga. Naapula naman ang sunog bandang alas-4 ng madaling araw na nagsimula bandang ala-1:40 kung saan nasu­gatan sina Ruth Apale at Marwin Casabal na nagtamo ng 1st degree burns. Natukoy ang pinagmulan ng apoy na faulty eletrical wiring na sinasabing nagmula sa bahay ni Delyn Apale.

Show comments