Negros Occidental nilindol

MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang bahagi ng ­Negros Occidental kahapon ng umaga. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay naramdaman sa layong 19 kilometro sa hilagang kanlurang bahagi ng Sipalay, Negros Occidental, ganap na alas-9:33 ng umaga. Nadama ang pagyanig sa mga kalapit na mga bayan ng Hinoba-an (intensity 4), Sipalay, (intensity 3), Iloilo City (Intensity II),  Bayawan, Pulupandan, at sa bayan ng Sibulan. Wala namang naitalang pinsala at wala namang inaasahan pang aftershock.

Show comments