QUEZON, Philippines - — Masaklap na kamatayan ang sinapit ng 32-anyos na magsasaka matapos itong pagtulungang saksakin ng kanyang biyenang lalaki at dalawang bayaw sa Barangay Montes Kallagan, bayan ng Atimonan, Quezon kamakalawa ng hapon. Nagmistulang kinatay na hayop ang katawan ng biktimang si Eddie Ancajas habang pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na sina Amado Malinao, 57; Ronel MaÂlinao, at si Reynaldo Malinao. Ayon sa pulisya, dakong alas-2:00 ng hapon ay magkakasamang na-iinuman ang magbiyanan at dalawa nitong bayaw kung saan naungkat ang pagmamalabis ng biktima laban sa kanyang asawa. Sa gitna ng komusyon ay biglang sinaksak ng matandang Malinao at sumunod na rin ang dalawang anak hanggang sa mapatay ang biktima.