Bungangerang misis pinatay ng mister

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 48-anyos na misis matapos itong saksakin ng kanyang mister dahil sa katatalak sa tuwing manggigising sa kanilang bahay sa Barangay Andagao, bayan ng Kalibo, Aklan kahapon ng umaga. Nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan si Amalia Pineda habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Aniceto Pineda, 58. Sinasabing ang pananaksak ay naganap bandang alas-7:30 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-asawa sa  Sitio Baybay. Nabatid na natutulog ang suspek sa loob ng kanilang kuwarto nang pumasok at talakan ng biktima kaya ito naalimpungatan. Gayon pa man, nairita ang suspek sa patuloy na katatalak ng kanyang misis nagawang kumuha ng kutsilyo at saka isinaksak  sa kaliwang dibdib ang biktima.

 

Show comments