3 inararo ng SUV, todas

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   â€“Tatlo-katao ang iniulat na namatay habang dalawa naman ang malubhang nasugtan matapos araruhin ng SUV sa gilid ng Maharlika Highway sa Barangay Sisigon, bayan ng Matnog Sorsogon kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga namatay ay sina Ma­ning Balicoco, Melly Balicoco, at si Christian Balicoco habang sugatan namang naisugod sa Irosin Hospital sina Rayan Canete, at Rico Balicoco. Arestado naman ang driver ng SUV pickup (NQM 628) na si Reyner Santos matapos magpagamot sa Sorsogon Doctor’s Hospital. Base sa police report, nawalan ng kontrol sa manibela si Santos kaya sinuyod ang mga biktimang naghihintay ng sasakyan sa gilid ng highway. Sugatan din ang mga sakay ng SUV  na patungong Maynila mula sa bayan ng Balangiga, Eastern Samar.

Show comments