Nagpatayan dahil sa utang

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Kapwa bumulagta ang magkapitbahay na magsasaka dahil sa matagal nang alitan ng kanilang pamilya sa naganap na duwelo sa Barangay Andarayan Norte, bayan ng Solana, Cagayan kamaka­lawa. Kinilala ni SPO3 Roque Binayug ang mga namatay na sina Johnny Ubina at Marlon Cusipag. Sa police report, nadatnan ni Ubina ang komosyon sa pagitan ng kanyang anak na si Jon-jon at Cusipag kaugnay sa paniningil ng sa utang ng ama nito. Dito na sumiklab ang komprontasyon ng tatlo kung saan binaril ni Cusipag ang nakatatandang Ubina sa dibdib. Bago nalagutan ng hininga si Ubina ay nagawa naman nitong pagtatagain si Cusipag hanggang sa mapatay. Nagpahayag ng pangamba ang pulisya na muling sumiklab ang paghihiganti ng magkabilang pamilya dahil sa naganap na insidengte.

Show comments