Dentist niratrat ng tandem

BULACAN, Philippines – Nakikipaglaban kay kamatayan ang 53-anyos na dentist matapos na tambangan ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo sa bahagi ng Barangay Pulong Gubat sa bayan ng Balagtas, Bulacan kahapon ng umaga. Inilipat sa pagamutan sa Maynila mula sa Balagtas Doctors Hospital ang biktimang si Dr. Reynaldo Suatenco, nakatalaga sa Rural Health Unit sa Barangay Burol 2nd at nakatira sa Barangay Pulong Gubat. Ayon kay PO3 Richard Lagman, pauwi ang biktima para mananghalian lulan ng Toyota Vios nang sundan at ratratin ng tandem pagsapit sa kahabaan ng provincial road. Narekober sa crime sene ang siyam na basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

 

Show comments