P50k pabuya vs drug den owner

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   â€“ Tinatayang aabot sa P50k reward ang ipinalabas ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa may-ari ng drug den na sinalakay ng mga awtoridad sa Barangay Sabang, Legazpi City, Albay. Kasalukuyang tugis ng mga tauhan ng PDEA ang wanted na pinaghahanap ngayon ng mga tauhan ni PDEA Regional Director Archie Grande ang suspek na si ex-Barangay Chairman Donald “Katoy” Vargas matapos magpalabas ng warrant of arrest ang korte. Magugunita na noong Abril 9, 2013 ay ni-raid ng PDEA ang bahay ni Vargas na sinasabing drug den matapos makatanggap ng impormasyon sa ilang residente sa nasabing lugar. Nakatakas naman ang suspek at hindi na kumandidatong opisyal sa barangay election noong Oktubre.

Show comments