MANILA, Philippines - Muling naramdaman ang pagyanig sa 10 bayan at isang lungsod sa lalawigan ng Bohol kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Philippines Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), niyanig ng magnitude 3.6 ang mga bayan ng San Isidro, Tubigon, Balilihan, Loon, Antiguera, Cortes, at Calape. Naramdaman din ang intensity 5 sa mga bayan ng Maribojoc at Catigbian, habang intensity 4 naman sa Tagbilaran City at Loboc habang intensity 3 naman sa Mandaue City, at intensity I sa Cebu City, Cebu. Samantala, nagdulot ng takot sa mga residente sa bayan ng Calape ang limang segundong pagyanig. Ang sentro ng pagyanig ay naramdaman sa lalim na 28-kilometro sa hilangang silangan ng Tagbilaran City kamakalawa ng gabi kung saan wala namang iniulat na nasira o kaya naganap na aftershocks.