2 holdaper tumba sa shootout

CAVITE , Philippines  â€“ Dalawang armadong lalaki na sinasabing nangholdap ng negosyanteng Bumbay ang napatay matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa kahabaan ng Provincial Road sa Barangay Calubcob, bayan ng Naic, Cavite kamakalawa ng hapon.

 Isa sa napatay ay nakilalang si Arnold Bellesa Sr. ng Cabagnaan, La Castillana, Negros Occidental habang bineberipika pa ang pagkakakilanlan ng kasama nito.

Ayon kay P01 Mark Allan­ Arcusa, bago maganap ang shootout ay nangholdap muna ang dalawa sa Barangay Poblacion, bayan ng Indang, Cavite kung saan tinangay sa negosyanteng si Chatar Singh, 35, ang dalawang cellphone at motorsiklo.  

Dito na inilatag ang dragnet operation kung saan na­patay ang dalawang holdaper.

Narekober ang dalawang baril, dalawang cellphone, pera at motorsiklo ng negosyanteng Bumbay.

 

Show comments