Ina kritikal sa saksak ng anak

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - - Nasa malubhang kalagayan ang 49-anyos na misis matapos itong saksakin ng kanyang anak na senglot  sa Barangay Concepcion, bayan ng Tigaon, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Naisugod naman sa Bicol Medical Center ang biktimang si Barangay Kagawad Maria Elisa Panuelo-Sarsosa habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Christian Sarsosa, 27. Naganap ang krimen sa bahay ng mag-ina kung saan nanonood ng telebisyon ang biktima bandang alas-11 ng gabi. Nabatid na lango sa alak ang suspek nang dumating sa kanilang bahay kung saan pinagalitan ito ng kanyang ina. Dito napikon at nagalit ang suspek kaya inundayan ng saksak ang sariling ina saka tumakas.

Show comments