MANILA, Philippines - Arestado si Urbiztondo, Pangasinan Mayor Ernesto Balolong Jr. matapos salakayin ang bahay nito at sinasabing masamsam ang 16-baril sa isinagawang operasyon ng mga tauhan National Bureau of Investigation (NBI) sa nasabing bayan kahapon. Bukod sa apat na palapag na bahay na sinalakay ay kabilang din sa nirikisa ng NBI ang farm ni Balolong base sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila court.
Ayon kay NBI Officer-in-Charge Medardo de Lemos, ni-raid ang bahay ni Balolong kung saan nakumpiska ang 16 na baril kung saan ilan sa mga ito ay lisensyado subalit sasailalim sa ballistic examination.
Base sa record, ikinanta lamang ng isang gun-for-hire na si Guialaludin Sacandal “Boy Muslim†Otto na si Balolong ang sinasabing mastermind sa pagpatay sa mag-asawang sina ex-Vice Mayor Ramon Arcinue at Chairwoman Zorhayda Arcinue sa Sampaoc, Maynila noong Marso 7, 2012 kung saan dinalaw nila ang kanilang anak na nag-aaral sa kolehiyo.