P.1-M pabuya vs killer ng budget officer

BULACAN, Philippines - – Nagpalabas ng P.1 milyong pabuya si Norzagaray Mayor Alfredo Germar sa sinumang makapagtuturo sa pumatay sa municipal budget officer noong Linggo ng umaga sa harap ng Saint Andrew Church sa Barangay Poblacion. Bumuo na rin ng Task Force Ervas nagbuo si P/Senior Supt. Joel Orduña para matutukan ang naganap na pamamaslang kay Yolanda Ervas kung saan papasok na sana ito sa simbahan nang lapitan at pagbabarilin ng gunman. Nangako si Orduña na mananatiling lihim ang mga impormasyon natatanggap sa sinumang makapagtuturo sa gunman.

Show comments