CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines -- Dalawang minero ang iniulat na namatay habang dalawang iba pa ang malubhang naÂsugatan makaraang sumaÂbog ang sinasabing iligal na minahan sa Barangay Bagawbaw, Batan Island sa bayan ng Rapu-Rapu, Albay noong Miyerkules (Nob. 20).
Kinilala ang mga namatay na sina Antonio Grajeda at Jerson Dela Cruz habang nasa malubhang kalagayan sa ospital sina Boyon Moises at Christian Santillan. Sa ulat ni P/Senior Inspector Gil Otivar, nasa tunnel ang mga biktima nang biglang umaÂlingawngaw ang malakas na pagsabog bandang alas-9 ng umaga.
Nagawang makalabas ng mga biktima mula sa tunnel subalit namatay ang dalawa.
Nabatid na matagal ng ipinatigil ng DENR ang opeÂrasyon ng Sammajo Mining Corp. dahil sa panganib na dulot ng minahan ng carbon.
Inilihim din ng mga barangay opisyal ang naganap na insidente subalit nadiskubre matapos maisugod sa ospital ang dalawang nasa kritikal na kalagayan.
Ipinag-utos na ni P/Chief Supt Victor P. Deona na imbistigahan din ang hepe ng pulisya sa nasabing bayan dahil sa anim na araw bago isinumite ang police report.