Mag-asawa dedo sa ambush

BULACAN, Philippines – Magkasunod na sinalubong ni kamatayan ang mag-asawang trader makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng highway sa  Barangay Tartaro, bayan ng San Miguel, Bulacan kama­kalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo si Wilfredo Hernandez, 54, hepe ng barangay tanod habang namatay sa San Miguel District Hospital ang asawa nitong si Nilda Hernandez, 56, kapwa nakatira sa Barangay Calumpang sa nasabing bayan. Sa ulat ni PO2 Richard Butic, papauwi na ang mag-asawang lulan ng traysikel mula sa pakikipaglibing sa yumaong kaibigan nang ratratin ng tandem pagsapit sa nasabing barangay bandang alas-3 ng hapon. 

 

Show comments