TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Umaabot sa P36.7 milyong halaga ng marijuana na nasamsam ang sinilaban sa compound ng Police Regional Office sa Camp Brig. Gen. Oscar Florendo sa San Fernando City, La Union kahapon. Sinabi ni P/Chief Supt. Ricardo Marquez, ang tone-toneladang marijuana ay may kabuuang 185,000 puno, 5,000 seedlings at 500 gramong buto na hinakot ng mga operatiba ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency sa kabundukan ng Licungan, Sugpon, Ilocos Sur noong Martes (Nobyembre 13). Ayon kay Marquez, ang mga puno ng marijuana ay itinanim sa pagitan ng mga mais, luya at gulay upang maikubli sa mata ng mga awtoridad. Matatandaan na noong Oktubre, aabot sa P5 milÂyong halaga rin ng marijuana ang sinira sa kabundukan ng Mt. Ibaon, Mt. Agay, Mt. Caang at sa Mt. Baeng sa Barangay LicuÂngan, Sugpon.