Kotse vs minibus: 3 patay

MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa tatlong sibilyan matapos suwagin ng minibus ang kasalubong na kotse sa kahabaan ng highway sa Barangay Mandalagan, Bacolod City, Negros Occidental kahapon ng madaling araw.

Kabilang sa mga namatay ay sina Christian Gabana, 28, driver ng puting Nissan Sentra (FDR-107); Ma. Riegem dela Peña, at si Jackie Jimenez na pawang nakatira sa nasabing lungsod.

Sina dela Peña at Gabana ay idineklarang patay sa Corazon Montelibano Hospital samantalang si Jime­nez ay namatay habang ginagamot.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame naganap ang sakuna sa kahabaan ng highway sa bahagi ng Lacson Street sa harapan ng Surez Logistics dakong alas-3 ng madaling araw.

Nabatid na nag-overtake ang kotseng sinasakyan ng mga biktima sa kasunod ang truck kung saan sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalubong ang mini-bus (FWS 705) ni Jerry Serrano na patungo sanang paliparan.

Sa lakas ng banggaan ay nadale ang tatlong biktima habang sugatan naman ang driver ng minibus na si Serrano.

 

Show comments