Rookie cop, nakaligtas sa ambush

CAVITE, Philippines — Himalang natakasan ng isang bagitong pulis ang banta ni kamatayan matapos itong pagbabarilin habang sakay ng kaniyang motorsiklo sa ambush sa Imus City, Cavite kahapon.


Bagamat nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan, idineklarang nasa ligtas ng kalagayan sa UMC Hospital ang biktimang si PO1 Patrick Severino, 32, nakatalaga sa Police Community Precint 5 sa Pasay City at residente ng Brgy. Salitran 1, Dasma­riñas City.


Nakilala naman ng mga nakasaksi ang suspek na si Joel Camaisa alyas Tuklaw, naka­tira sa Pasong Santol, Anabu 2-F, Imus City at isang nakilala lang sa alyas na “Joven”.


Bandang alas-5:30 ng umaga­ kasalukuyang lulan ang biktima ng kaniyang motorsiklo ng pagbabarilin ng mga suspek pagsapit sa Pasong Santol, Anabu 2-F, Imus City. Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng cal 9mm.

 

Show comments