2 arestado sa arms cache

CAVITE, Philippines - – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang lalaki matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya dahil sa pag-iingat ng malalakas na kalibre ng baril at mga bala sa isinagawang operasyon sa Barangay  Anabu 1 D,  Imus City, Cavite kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Kagawad Ferdinand Camia 43, ng #917 Brgy. Anabu 1C, Imus City, Cavite; at  Jimmy Camia, 43, ng #463 Brgy. Anabu. Kabilang sa mga armas na nasamsam ay  ang M16 Armalite rifle, AK47 rifle,  3-magazines ng M-16 rifle at iba’t ibang uri ng bala para sa malalakas na kalibre ng baril.

Show comments