Pulis, 1 pa dedo sa ambush

CAVITE , Philippines   â€“ Napatay ang isang bagitong pulis at kaibigan nito makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa kahabaan ng Daanghari Road sa Ba­rangay Pasong Buaya, Imus City, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang pulisya na napatay na si PO1 Richard Carluen at nakatalaga sa Cavite Provincial Public Safety Company sa Camp Pantaleon Garcia sa nasabing lungsod. Samantala, hindi naman nakikilala ang kaangkas na lalaki.

Base sa police report, magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima nang ratratin ng mga ’di-kilalang lalaki na lulan din ng motorsiklo pagsapit sa nasabing barangay habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments