Magsasaka niratrat ng kagawad

MANILA, Philippines - Napatay ang 39-anyos na magsasaka matapos itong pagbabarilin ng bagong halal na kagawad sa naganap na panibagong karahasang may kinalaman sa nakalipas na barangay election sa Brgy. Libertad, bayan ng Dimataling, Zamboanga del Sur kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang na­patay na si Marcelo Dagyagnao habang pinaghahanap naman ang suspek na si Konsehal Eddie Guerra, 48, ng Brgy. Lower Ludiong sa bayan ng Dinas. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naglalakad ang biktima nang makasalubong ang suspek kung saan sumiklab ang mainitang pagtatalo hanggang sa maganap ang pamamaslang. Narekober sa crime scene ang 30-basyo ng bala ng M16 rifle.

Show comments