Mister utas sa kuryente

MANILA, Philippines - Hindi na umabot  ng buhay sa pagamutan ang 35-anyos na mister habang isa pa ang grabeng nasugatan matapos na makuryente sa Barangay Don Jose, bayan ng Dinas, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon. Idineklarang patay sa Chavez Medical Clinic ang biktimang si Renie Campogan habang nakikipaglaban naman kay kamatayan si Jaymer Bacot. Nabatid na kinukumpuni ng dalawa ang antenna ng telebisyon sa bubong ng kapitbahay na si Minda Bacat nang tumama ang bakal na hawak sa talop na linya ng kuryente ng Zamboanga del Sur Electric Cooperative kung saan agad nagkikisay si Campogan. Nahawakan naman ito ni Bacot na nakuryente rin sa insidente.

Show comments