Sanggol patay sa sunog

MANILA, Philippines - Natusta ang katawan ng isang sanggol na babae matapos itong makulong sa loob ng kanilang bahay na nasusunog sa Barangay Fili, Bayugan City, Agusan del Sur kamakalawa. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nasunog ang bahay ng pamilya Romarate kung saan nadamay ang biktimang si Alaia Khyl Romarate kung saan halos maabo ang katawan nito nang matagpuan. Nabatid na iniwan ang sanggol na natutulog sa kuwarto habang ang ina nito ay may ginagawa sa  bakuran ng magsimulang kumalat ang  apoy na tumupok  sa buong kabahayan bandang alas-4:35 ng hapon. Naapula ang sunog dakong alas-5:10 ng hapon  kung saan wala namang nadamay na ibang bahay.

 

Show comments