Tiktik ng pulisya, sinalvage

Natagpuan ang bangkay ng pedicab driver na si Jimmy Reyes sa mababaw na kanal ng Barangay Sta. Rosa II sa bayan ng Marilao, Bulacan. May palatandaang pinahirapan muna si Reyes na sinasabing tiktik ng pulis-Caloocan City bago sinalvage ng mga di-kilalang lalaki. Kuha ni BOY CRUZ

BULACAN , Philippines   â€“ Pinaniniwalaang biktima ang summary e­xecution  ang 45-anyos na pedicab driver na sinasabing tiktik ng pulisya matapos itong isako ay itinapon sa mababaw na kanal sa Barangay Sta. Rosa II, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng umaga. Ayon kay PO2 Jerome Fresnillo, may palatandaang pinahirapan muna ang biktimang si Jimmy Reyes ng Libis Espina, Brgy. 16, Caloocan City. Binusalan ang biktima saka binalutan ng packaging tape ang mukha at iginapos ng kable ang mga kamay bago isinako. Huling namataang buhay ang biktima na namamasada ng pedicab noong Biyernes ng umaga. (Nov. 8).

 

Show comments