2 ‘BID’ dakma sa pangingikil

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Dalawang pekeng ahente ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) na nagtangkang mangotong laban sa negosyante Bumbay ang nadakma sa isinagawang entrapment operation sa Cauayan City, Isabela kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni Isabela PNP Director P/Senior Supt. Sotero Ramos Jr. ang mga suspek  na sina Ramil Velasco, 45, ng San Pascual, Tarlac City; at Romeo Morales, 55, ng Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila. Naunang idinulog ng biktimang si Sukphal Singh ang pangingikil ng mga suspek na nagpakilalang mga ahente ng BID kaya napagkasunduan nilang magkita sa harapan ng Cauayan City Public Market upang iabot ang protection money na hinihiling ng mga ito. Lingid sa mga suspek ay nakipag-ugnayan ang biktima sa mga operatiba ng pulisya kaya nasakote ang dalawa.

Show comments