Shootout: Lider ng karnaper bulagta

MANILA, Philippines - Napatay ang lider ng robbery/carnapping gang  matapos  makipagbarilan sa arresting team ng pulisya  sa Barangay Burol, Calamba City, Laguna kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Laguna Provincial PNP director P/Senior Supt. Pascual Muñoz Jr., ang napatay na si  Charlie Mamalayan, lider ng Mamalayan robbery/carnapping gang  habang sugatan naman ang isa nitong kasamahang si Joel Isiderio.

Nabatid na patungo ang pangkat ng pulisya sa pinagkukutaan ni Mamalayan upang isilbi ang  warrant of arrest nang makasalubong ang dalawa na nakamotorsiklo.

Gayon pa man ay agad na isinalpok  ng dalawa ang motorsiklo sa sasakyan ng pulisya saka pinaputukan kung saan nagresulta sa ilang minutong shootout.

Nabatid na si Mamalayan ay may warrant of arrest sa kasong droga, robbery, carnapping at murder sa Tanauan City, Batangas.

Sangkot din si Mamalayan sa hodlapan na nakasagupa ng Cabuyao City PNP noong Hunyo 2013 habang ang kasamahan naman nitong si Isiderio ay sangkot naman sa pamamaril sa Barangay Punta, Calamba City, Laguna  noong linggo.

Show comments