Taxi driver dedo sa holdap

BULACAN , Philippines   â€“ Napatay ang 34-anyos na taxi driver matapos itong pagsasaksakin ng mga holdaper sa bahagi ng Barangay Tungkong Mangga sa San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Ayon kay PO1 Ritchie Militante, natagpuan ang duguang katawan ni Reynold Narcio sa loob ng kanyang taxi (UVN-912) sa gilid ng kalsada sa nasabing barangay bandang alas-6:30 ng umaga kahapon. May palatandaang nanlaban ang biktimang residente ng Barangay Paltok, Quezon City sa mga holdaper kaya napilitang patayin kung saan tinangay ang kanyang  cell phone at pitaka na naglalaman ng di-nabatid na halaga.

Show comments