Tatay pinugutan ng mag-utol

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Brutal na kamatayan ang sinapit ng 38-anyos na mama matapos itong pagtatagain ay pinugutan pa ng mag-utol na kabarong Aeta sa liblib na bahagi ng Sitio Pataga, Barangay Langagan, bayan ng Sanchez Mira, Cagayan kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Renato De Gracia, hepe ng Sanchez Mira PNP ang biktima na si Rico Ifurung habang nakatakas naman ang anak nitong si Pee-Jay.  Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Roger Caligan at Bubut Caligan. Lumalabas sa imbestigasyon na natutulog ang biktima at anak nitong lalaki sa kanilang kubo nang pasukin at pagtatagain ng mag-utol.  Nakatiyempo namang makatakas ang anak kaya naipaabot kay Barangay Chairman Willy Cabuyadao ang insidente. Isinagawa ang krimen sa paniniwalang may sinusunod silang ritwal ng dugo sa tribo.

Show comments