Dispatcher nilikida ng tandem

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in- tandem assassins  ang 25-anyos na dispatcher sa Mabini Street, District 3 sa Cauayan City, Isabela kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Mariano Rodriguez, naglalakad ang biktimang si Marvin Labog  sa likurang bahagi ng simbahan nang lapitan at ratratin ng tandem. Sinikap namang maisugod ni Kagawad Estanislao Dalupang sa pagamutan ang sugatang biktima subalit hindi na umabot ng buhay. Narekober sa crime scene ang basyo ng cal. 45 pistol  habang patuloy naman ang imbestigasyon

Show comments