Kano tiklo sa rape

MANILA, Philippines - Bagsak kalaboso ang 53-anyos na Kano  na akusado sa kasong rape matapos itong maaresto ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Aguada, Ozamis City sa Misamis Occidental kamakalawa. Sa ulat  ni P/ Senior Supt. Jerry Linsagan na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang suspek na si Michael John Collins, pansamantalang nanunuluyan sa Door 5, Borromeo Building, Tomas Saco Street sa Cagayan de Oro City. Gayon pa man, inirekomenda ni Judge Jose Escobido ng Cagayan de Oro Regional Trial Court Branch 37 ang P 120,000 piyansa sa kaso nitong rape na naganap noong Nobyembre 6 sa Ozamis City.

Show comments