Mister todas, 2 pa sugatan sa pamamaril

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Nasawi noon din ang isang mister habang sugatan naman ang dalawang iba pa matapos na pagbabarilin ng isang ingat-yaman ng barangay kamakalawa sa Balud, Masbate.

Kinilala ang nasawi na si Joseph Agasi, 47, may asawa, magsasaka at residente ng naturang lugar. Isinugod naman sa Masbate Doctors Hospial ang mga nasugatang sina Elizardo Padernal, nasa hustong gulang, Barangay Treasurer at kapatid nitong Edward Padernal; pawang mga residente sa lugar.

Sa ulat ni Supt Culbert Sison, Provincial Director ng pulisya dito, dakong alas-5 ng hapon habang ang nasawing si Agasi at kapatid nitong si Antonio ay naglalakad ng pagbabarilin ng magkapatid ring suspek gamit ang cal. 45 pistol.

Nang makita ni Antonio na bumulagta ang kaniyang kapatid ay sinugod naman ng saksak ang barangay treasurer at utol nito. Iniimbestigahan pa ang kaso.

 

Show comments