Parolado tinodas ng tandem

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€” Napatay ang 41-anyos na parolado makaraang ratratin ng dalawang di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo habang patungo ito sa palengke sakay ng kanyang traysikel sa Barangay Barabar, bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte kamakalawa. 
Napuruhan sa dibdib si Frederick Ulit ng Barangay Sta. Rosa sa bayan ng Sarrat.
 Lumalabas sa imbestigasyon na patungo sa palengke ang biktima upang mamili ng mga pagkain sa negosyong karinderya nang sundan at pagbabarilin ng tandem assassins. Inamin ng mga kaanak na may natatanggap na pagbabanta sa buhay ang biktima nitong nakaraang araw kaugnay sa sinasabing kaso ng love triangle.

Show comments