PAF official pisak sa trak

BULACAN , Philippines   â€“ Sinundan ni kamatayan ang 51-anyos na  opisyal ng Phil. Air Force (PAF)  matapos na mahagip ng trailer truck sa kahabaan ng Cagayan Valley Road sa Barangay Tabang, bayan ng Plaridel, Bulacan kama­kalawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Bulacan Medical Center ang biktimang si LTC Tomas Mina IV ng Soldiers Hill, Muntinglupa City. Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng trak na si Arnel Dela Cruz, 37, ng Sitio Bagong Sikat, Brgy.Tabang sa bayan ng Plaridel.

Ayon kay PO2 Joseph Cruz, nag-overtake ang motorsiklo ng biktima sa sinusundang trailer truck (PYJ-962) ni Dela Cruz nang bigla itong matumba sa gitna ng highway.

Tinangkang tumayo ng biktima subalit nagulungan ito ng trak.

 

Show comments