Sinibak sa trabaho, tumungga ng lason

CAVITE , Philippines   -  Kawalan ng pag-asang umunlad sa buhay ang isa sa sinasabing motibo kaya nag-suicide ang 48-anyos na mister matapos itong tumungga ng lason sa kanilang bahay sa Barangay Sampaloc 1, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon. Bandang alas-3 ng hapon ng ma­tagpuang bumubula ang bibig ng biktimang si Rodelio Fornal ng Riverside sa nasabing barangay. Ayon kay P03 Aaron Abesamis, naisugod pa sa osptial ang biktima subalit namatay din.

Show comments