Negosyanteng babae kinidnap

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Isang prominenteng negosyanteng babae ang iniulat na kinidnap ng tatlong armadong lalaki habang nagmamaneho pauwi sa Barangay Dos, bayan ng San Mateo, Isabela kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni P/Chief Insp. Perfecto Mallillin, hepe ng San Mateo PNP ang dinukot na negosyante na si Catherine Gomez.  Batay sa mga nakasaksi, hinarang ng tatlong lalaki ang sasakyang SUV ng biktima sa kahabaan ng highway kung saan naganap ang insidente. Narekober naman ng mga operatiba ng pulisya ang sasakyan ng biktima na inabandona sa bahagi ng Barangay Villa Magat.

Show comments