Barangay chairman itinumba

NORTH COTABATO , Philippines   - Napatay ang re-elected barangay Chairman matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa kahabaan ng highway sa Purok Mabinoligon, Barangay Bagontapay, bayan ng Mlang, North Cotabato kahapon ng hapon.

Kinilala ni P/Senior Insp. Rolando Dillera, hepe ng Mlang PNP ang biktima na si Chairman Eduardo Panes ng Barangay Libo-on sa bayang nabanggit.

Base sa police report, nagmomotorsiklo ang biktima nang sundan at ratratin ng gunmen na lulan ng motorsiklo kung saan napuruhan sa ulo ang nasabing opisyal.

Nagsasagawa pa ngayon ng imbestigasyon ang pulisya kung may kinalaman sa pulitika ang naganap na pamamaslang.

Show comments