TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Pinag-awayang pulutan sa inuman ang isa sa motibo kaya pinagtataga hanggang sa mapatay ng 70-anyos na lolo ang farm caretaker sa Barangay Apiat, bayan ng Aurora, Isabela noong Huwebes. Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang biktimang si Ramil Acupido at suspek na si Gregorio Garcia matapos pag-awayan ang nilutong pulutan habang nag-iinuman. Dito nagalit ang suspek kung saan pinagtataga ang senglot na biktima. Ayon kay P/Senior Insp. Sherwin Concha, hepe ng Aurora PNP, ang dalawa ay sinasabing kapwa tauhan sa sakahan na pag-aari ni John Viernes.