MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng natalong barangay chairman matapos madakip ng mga awtoridad kaugnay sa pagpatay sa tatlo nitong utol kabilang na ang tumalo sa kanya sa barangay election noong Lunes sa Barangay Manapao, Pontevedra, Capiz. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si outgoing Barangay Chairman Manuel Arcenas Sr., 62. Sa tala ng pulisya, ang suspek ang itinuturong bumaril at nakapatay sa kanyang mga kapatid na sina Ramon Arcenas, 54; Jennifer Arcenas-Nuyles, 57; at Jocelyn Arcenas-Espinar, 58, noong Martes. Nabatid na nagalit ang suspek kay Ramon matapos siyang talunin sa pagka-chairman habang ang dalawang utol na babae naman ay hindi sinuportahan ang kandidatura ng kanyang anak na si Isabel kaya natalo.