Arms cache nasamsam

CAVITE, Philippines - – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang mister matapos makumpiskahan ng iba’t ibang uri ng malalakas na kalibre ng baril, mga bala at pampasabog sa isinagawang operasyon sa Barangay Mambog 1, Bacoor City, Cavite kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt Joselito Esquivel, pormal na kinasuhan ang suspek na si Randy Sapida ng Green Square Subd. sa nasabing barangay. Base sa search warrant na inisyu ni Judge Agripino Morga ng San Pablo City Regional Trial Court  Branch 22, sinalakay ang bahay ni Randy Sapida sa Green Square Subd. kung saan nasamsam ang iba’t ibang uri ng malalakas na kalibre ng baril, mga bala, granada at iba pang gamit sa baril.

Show comments