MANILA, Philippines - Natagpuan ng mga imbestigador ng pulisya ang isang kumpol ng utak at mga bahid ng dugo sa gitna na rin ng paghahanap ng kaniyang pamilya sa isang nawawalang mister sa Mabitac, Laguna kamakalawa.
Kinilala ang nawawalang biktima na si Almario Bucal nasa hustong gulang at residente ng Sitio Binakuran, Barangay Matalatala, MaÂbitac, Laguna.
Sa ulat ni Laguna Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. Pascual Muñoz, ang mga bahid ng dugo ay naÂtagpuan dakong ala-1 ng madaling-araw at nakita rin ang brief na nakabalot sa plastic na pag-aari nito.