Brgy. kagawad tiklo sa gun ban

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines -  - Kalaboso ang binagsakan ng 56-anyos na kandidatong barangay chairman matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya kaugnay sa pag-iingat nito ng malakas na kalibre ng baril at iba’t ibang uri ng bala sa Sitio Sabang , Barangay Lahong sa bayan ng Baleno, Masbate kahapon. Ayon kay P/Chief Supt. Victor Deona, inaresto ang suspek na si Kagawad Francisco Esquilona sa kanyang bahay matapos magpalabas ng search warrant si Judge Maximino R. Ables ng Masbate Regional Trial Court Branch 47. Nasamsam sa suspek ang M 16 baby Armalite rifle, apat na magazine ng bala at mga bala ng naturang baril na sinasabing  walang kaukulang dokumento.

Show comments